Rhapsody Global Club ( Mandate 1B ROR Influences )
Rhapsody Global Club ( Mandate 1B ROR Influences )
March 1, 2025 at 05:03 PM
Rhapsody Tagalog Sun Mar 02 2025 MAGING LABIS NA MULAT NA SI CRISTO AY NASA IYO At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong na anak ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan (Juan 1:14). Sinabi nating ang Kristiyano ay isang tao na kung saan nabubuhay si Cristo, ang problema ay hindi alam ng marami kung ano ang ibig sabihin ng Cristo o kung sino si Cristo. Ano ang kahulugan ng salitang Cristo? Si Cristo ay ang salitang Hebreo na ibig sabihin ay Mesiyas, at Ang Mesiyas ay nangangahulugang ang Pinili (Anointed One). Sa Lumang Tipan, Siya ay tinawag na Mesiyas, at sa Bagong Tipan, Siya ay tinatawag na Cristo, ngunit pareho silang tumutukoy sa iisang tao. Ang naunawaan ng mga Hudyo na Mesiyas ay ang tinawag ni Propeta Daniel na “Anak ng Tao.” Nang tukuyin ni Jesus ang Kanyang sarili bilang ang “Anak ng Tao” na “itataas,” ibig sabihin ay ipapako sa krus, tinanong Siya ng mga hudyo, “Sino itong Anak ng Tao?” Akala nila ang Cristo ay mabubuhay magpakailanman. Sinasabi ng Bibliya sa Juan 12:23, 32-34: “…Sumagot si Jesus sa kanila, na nagsasabi, Dumating na ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin…Datapuwa't ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay maitaas? sino ang Anak ng taong ito?” Tinukoy ni Jesus ang mga hula ni Daniel at pinatunayan nito ang mga ito. Ang katagang Anak ng Tao ay isang paglalarawan ng Anak ng Diyos. Ngunit ang Anak ng Diyos ay hindi nangangahulugang “isang ipinanganak ng Diyos”; sa halip, ito ay nangangahulugan ng "Diyos sa katawang-tao". Ito ang dahilan kung bakit nang sabihin ni Jesus na Siya ang Anak ng Diyos, inakusahan Siya ng mga pinunong hudyo ng kalapastanganan. Sabi nila, “...Sumagot sila, “Hindi ka namin babatuhin dahil sa mabubuti mong gawa, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Dios. Sapagkat sinasabi mong ikaw ay Dios gayong tao ka lang.” (Juan 10:33). Naunawaan nila na ang Mesiyas, ang Diyos na nahayag sa laman, ay siyang ipinahayag ni Jesus sa Kanyang sarili. Kapag sinabi mong si Jesus ay ang Cristo, ang ibig mong sabihin ay si Jesus ay Diyos na nahayag sa laman. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ipinako sa krus. Huwag kailanman kalimutan ito. Sa ibang pagkakataon, gaya ng sinasabi sa atin ng Marcos 14:61-64, nang tuwirang tanungin Siya ng mataas na saserdote, “Ikaw ba ang Cristo?” at sinagot ni Jesus na sumasang-ayon, pinunit ng dakilang saserdote ang kaniyang balabal, na ipinahahayag na kalapastanganan. Ang pahayag na iyon ay humantong sa paghatol kay Jesus ng kamatayan. Ngunit tama si Jesus. Siya ang tunay na Cristo. Ang Mesiyas o Cristo ay Diyos sa katawang-tao. At nang tanggapin mo si Cristo, ang Kanyang banal na buhay ay pumalit sa iyong buhay bilang tao at nahayag ito sa iyo. Ikaw ay naging isang tao na tinatahanan ni Cristo. Sinasabi ng Colosas 1:27, “…Si Cristo ay nasa iyo, ang pag-asa ng kaluwalhatian.” Ito ang kaluwalhatian at kahalagahan ng Kristiyanismo – si Cristo ay nasa iyo! Maging Labis na mulat sa katotohanang ito ngayon, higit pa kaysa dati. Prayer / Confession Mahal na Ama, salamat sa paghahayag kung sino si Cristo – ang Diyos na nahayag sa laman. Ipinapahayag ko na si Cristo ay nabubuhay sa akin, at ang Kanyang banal na buhay ay nahayag sa bawat bahagi ng aking pagkatao. Lumalakad ako sa kamalayan ng katotohanang ito, tinutupad ang iyong layunin at ipinapakita ang iyong kaluwalhatian sa mundo, sa Pangalan ni Jesus. Amen. Further study Colosas 1:26-27; Juan 1:14; 1 Timoteo 3:16 1-year bible reading plan Marcus 9:33-50 & Mga Bilang 9-10 2-year bible reading plan Mateo 19:13-22 & Exodo 11 WhatsApp Chanel for rhapsody Translation : https://whatsapp.com/channel/0029Va9SJ9OHFxP0Xh4KCN3F

Comments