Rhapsody Global Club ( Mandate 1B ROR Influences )
Rhapsody Global Club ( Mandate 1B ROR Influences )
June 8, 2025 at 08:15 PM
Rhapsody Tagalog Mon Jun 09 2025 KAPANGYARIHAN NG PAGIGING PROTAGONISTA Una niyang nasumpungan ang kanyang sariling kapatid na si Simon, at sinabi sa kanya, ‘Ating nasumpungan ang Mesiyas’ (na kung isasalin ay ang Cristo). Siya'y kaniyang dinala kay Jesus (Juan 1:41-42). Sa gawaing pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos, kinakailangan ang mga protagonista, at makikita natin na may mga ganoong tao sa Bibliya, lalo na sa Ebanghelyo ni Juan. Hindi sila mga pasibong tagasunod ni Jesu-Cristo, kundi mga aktibong tagapagtaguyod ng Kanyang ministeryo. Ipinakita nila ang isang natatanging uri ng gawain—ang tunay na diwa ng pagiging protagonista. Halimbawa, sa Juan 1:40-42, makikita natin si Andres, isa sa mga alagad ni Juan Bautista, na iniwan ang lahat upang sumunod kay Jesus. Hindi itinago ni Andres ang kanyang natuklasan. Agad niyang hinanap ang kanyang kapatid na si Simon (Pedro) at sinabi sa kanya, “Nasumpungan na namin ang Mesiyas!” Pagkatapos ay dinala niya si Pedro kay Jesus. Ang ginawa ni Andres ay nagpapakita ng puso ng isang tunay na protagonista—isang taong nagsusulong at nagtataas ng ministeryo ni Jesus sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iba upang sumali sa layunin ng Panginoon. Kinabukasan, tinawag ni Jesus si Felipe upang sumunod sa Kanya. Si Felipe, tulad ni Andres, ay hindi rin nag-atubiling ibahagi ang Mabuting Balita. Hinanap niya si Natanael at sinabi, “Nasumpungan namin yaong isinulat ni Moises sa kautusan at ng mga propeta—si Jesus na taga-Nazaret, anak ni Jose” (Juan 1:45) Nag-alinlangan si Natanael at nagtanong, “May mabuti bang maaaring manggaling sa Nazaret?” Ang sagot ni Felipe ay payak ngunit makapangyarihan: “Halikayo at tingnan mo” (Juan 1:45-46). Ito ang kapangyarihan ng pagiging protagonista. Sina Andres at Felipe ay hindi lamang basta sumunod kay Jesus; aktibo nilang inakay ang iba patungo sa Kanya. Ikinonekta nila ang mga kapwa Hudyo at mga debotong tao, na dati nang naniniwala sa Diyos, sa layunin ng Mesiyas. Ganoon din ngayon sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos, kailangan natin ng isang malakas at masigasig na hukbo ng mga anak ng Diyos—mga taong tapat, masigasig, at hindi matitinag sa kanilang dedikasyon sa Ebanghelyo. Tinatapos natin ang ganap na pangangaral ng Ebanghelyo ngayong taong 2025. Maging isang protagonista ng misyong ito! Hikayatin at akayin ang iba na makilahok sa dakilang misyong ito habang tinutupad natin ang Dakilang Utos. Napakahalaga na ating maunawaan na upang magdulot ng pagbabago sa mundo, kailangan natin ng isang nagkakaisang hukbo ng mga Kristiyano, bawat isa ay ginagampanan ang kanyang bahagi sa pagsusulong ng Kaharian ng Diyos, lalo na ngayon na malapit nang bumalik ang Panginoon. Prayer / Confession Mahal na Ama, salamat po sa paggawa sa akin na maging isang protagonista sa pagsusulong ng Iyong Kaharian. Sa pamamagitan ko, maraming tao ang nadadala sa Iyong Kaharian at naisasama sa Iyong dakilang hukbo, tinutupad ang Iyong banal na layunin at nagbabago ng buhay saan man. Ako’y lumalakad sa karunungan at kapangyarihan ng Espiritu, patuloy na ipinapahayag ang impluwensya ng Kaharian, sa Pangalan ni Jesus. Amen. Further study Juan 1:40-42; Juan 4:28-30; 2 Timoteo 2:2 1-year bible reading plan Mga gawa 1:1-26 & 2 Mga Cronica 1-4 2-year bible reading plan Marcus 16:1-11 & Deutoronomio 7 WhatsApp Chanel for rhapsody Translation : https://whatsapp.com/channel/0029Va9SJ9OHFxP0Xh4KCN3F

Comments